Mga halimbawa ng panghihimasok ng ibang bansa na nakaaapekto sa mga organisasyon sa komunidad Examples of foreign interference impacting community organisations
Mga halimbawa ng panghihimasok ng ibang bansa na nakaaapekto sa mga organisasyon sa komunidad
Ang mga organisasyon sa komunidad ay may mahalagang papel sa pagsuporta at paghubog ng mga komunidad, pag-impluwensya sa paggawa ng desisyon, at pag-uugnay ng mga magkakaibang grupo.
Ang malawak na network at mapagkatitiwalaang ugnayan ng mga organisasyon sa komunidad ang siyang dahilan kung bakit sila mga pangunahing manlalaro sa pamumuno at pakikipag-ugnayan sa komunidad.
Ang panghihimasok ng ibang bansa na tumutudla sa isang organisasyon sa komunidad sa pamamagitan ng mga palihim, mapilit, mapanlinlang, o mapanirang aksyon ay maaaring makasira sa kalayaan ng organisasyon, makabawas sa tiwala ng komunidad at pagkakaisa ng lipunan.
Maaari rin nitong pagbantaan ang kaligtasan, seguridad, at mga kalayaan sa pagpapahayag at pakikisama ng parehong organisasyon at mas malawak na komunidad.
Alamin ang higit pa tungkol sa kung paano maaaring tinutudla ng mga dayuhang estado na nakikisali sa dayuhang panghihimasok ang mga organisasyon sa komunidad sa New Zealand at kung paano ka makapag-iingat laban dito.
Nasa ibaba ang tatlong halimbawa kung paano maaaring makaapekto ang dayuhang panghihimasok sa mga organisasyon sa komunidad. Sa mga halimbawang ito, ang "dayuhang estado" ay nangangahulugang anumang bansa maliban sa New Zealand.
Ang mga halimbawang ito ay hango sa mga pananaw na ibinahagi ng Multicultural New Zealand – Ang Pederasyon ng Multikultural na mga Konseho ng New Zealand sa Ministeryo para sa mga Etnikong Komunidad. Pinasasalamatan namin sila para sa kanilang mahalagang kontribusyon sa mapagkukunang ito at sa mapagkukunan sa 'Pangangalaga ng iyong organisasyon sa komunidad laban sa dayuhang panghihimasok'.
Ang mga halimbawa sa ibaba ay mga hipotetikal na senaryo na naglalarawan ng mga aktibidad na maaaring ituring na dayuhang panghihimasok sa ilalim ng Batas sa mga Krimen ng 1961.
Ito ay pangkalahatang impormasyon. Ito ay para lamang sa iyong pang-unawa at hindi isang payong legal. Para sa partikular na payong legal, makipag-usap sa isang kwalipikadong legal na propesyonal.