Puwersahang pagpapauwi

Ang mga dayuhang estado na nagsasagawa ng dayuhang panghihimasok ay maaaring subukang puwersahin o pilitin ang mga indibidwal na umalis sa New Zealand laban sa kanilang kagustuhan na bumalik sa kanilang bansang pinagmulan. Kilala ito bilang puwersahang pagpapauwi.

Upang gawin ito, ang dayuhang estado ay maaaring:

  • magtakda ng mga pagbabawal sa pagbibiyahe sa mga tao, o sa kanilang pamilya o mga kasamahan upang higpitan ang paggalaw at lumikha ng presyur na bumalik sa kanilang bansang pinagmulan
  • i-freeze ang pinansyal na ari-arian sa kanilang bansang pinagmulan
  • ligaligin o takutin ang pamilya, mga kaibigan o mga kasamahan sa kanilang bansang pinagmulan, o pilitin sila upang mahikayat ang taong bumalik.

Mahalagang tandaan na ang puwersahang pagpapauwi ay hindi isang bagay na mararanasan ng karamihan, kahit na sila ay tinutudla ng dayuhang panghihimasok.

Ekstradisyon

Ano ang ekstradisyon

Ang ekstradisyon ay isang pormal na legal na proseso sa pagitan ng mga bansa para sa pagpapabalik ng isang tao upang humarap sa mga kasong kriminal o magsilbi ng sentensya. Ang mga pamamaraan ng ekstradisyon ng New Zealand ay nakasaad sa Batas sa Ekstradisyon ng 1999.

Ang legal na ekstradisyon ay hindi isang uri ng dayuhang panghihimasok.

Kailan maaaring hilingin ang ekstradisyon

Kung ang isang tao ay sinampahan ng mga kasong kriminal sa kanilang bansang pinagmulan, o kung hindi pa nila natatapos ang kanilang sentensya, maaaring humiling ang bansang iyon ng ekstradisyon sa bansang kasalukuyang tinitirhan ng taong iyon.

Ang bansang humihiling ng ekstradisyon ay maaaring umasa sa isang pandaigdig na kasunduan o sa batas domestiko ng dayuhang bansa. Hindi inaatas sa Batas sa Ekstradisyon ang dayuhang bansa na magkaroon ng kasunduan upang humiling ng ekstradisyon mula sa New Zealand.

Ang kahilingan sa ekstradisyon ay isang aplikasyon para sa pag-aresto at pagbabalik ng isang taong sangkot para sa paglilitis o patuloy na sentensya sa bansang pinagmulan.

Paano pinamamahalaan ng New Zealand ang mga kahilingan sa ekstradisyon

Sa New Zealand, ang mga kahilingan sa ekstradisyon na ginagawa ng ibang mga bansa ay isinasaalang-alang ng Pamahalaan at ng korte.

Inaatasan ng batas sa New Zealand ang mga awtoridad na tanggihan ang mga kahilingan sa ekstradisyon kung ang mga ito ay ginagamit upang isagawa ang politikal na pag-uusig.

Kabilang dito ang mga kaso kung saan ang tao ay inaakusahan para sa layuning parusahan sila dahil sa kanilang lahi, etnikong pinagmulan, relihiyon, nasyonalidad, kasarian, o iba pang katayuan, o mga politikal na opinyon, o para sa isang pagkakasala na may politikal na katangian (tulad ng nauugnay sa mga politikal na opinyon o aktibidad ng isang tao).

Maaari ring tanggihan ng New Zealand ang kahilingan sa ekstradisyon ng isang dayuhang bansa kung ang akusasyon laban sa tao ay hindi ginawa nang may mabuting hangarin at wala sa interes ng katarungan. Ang kaso ay maaaring tanggihan kung isaalang-alang ang lahat ng mga pangyayari, ang pagbabalik ng tao ay magiging hindi makatarungan o mapang-api.

Paano pinamamahalaan ang ekstradisyon sa New Zealand

Kung mayroong wastong utos ng pag-aresto o mga kasong kriminal mula sa ibang bansa, pinamamahalaan ng Pamahalaan ng New Zealand ang ekstradisyon sa pamamagitan ng opisyal na pandaigdig na kinikilalang mga pamamaraan. Ang mga dayuhang awtoridad ay hindi maaring mag-aresto, magdetena o lumapit sa mga tao sa New Zealand bilang bahagi ng pamamaraan sa ekstradisyon.

Saan hihingi ng tulong

Legal na pagkakatawan at payo

Pinamamahalaan ng mga kagawaran ng Pamahalaan ang pamamaraan sa ekstradisyon, ngunit hindi sila makapagbibigay ng legal na payo sa mga indibiduwal.

Nangangahulugan ito na sinumang nahaharap sa kahilingan sa ekstradisyon ay dapat makipag-ugnayan sa isang abogado na dalubhasa sa ekstradisyon, karapatang pantao, at pandaigdig na batas.

Alamin ang higit pa tungkol sa legal na suporta na mayroon sa New Zealand dito.

I-download dito ang impormasyong ito - Malapit na