Pag-ulat ng nakapipinsala o ilegal na mga aktibidad na maaaring nauugnay sa dayuhang panghihimasok Reporting harmful or illegal activities that may be linked to foreign interference
Pag-ulat ng nakapipinsala o ilegal na mga aktibidad na maaaring nauugnay sa dayuhang panghihimasok
Tandaan: Ito ay pangkalahatang impormasyon. Ito ay para sa iyong pang-unawa lamang at hindi legal na payo.
Para sa partikular na legal na payo, makipag-usap sa isang kwalipikadong legal na propesyonal.
Ang ilang nakapipinsalang aktibidad na isinasagawa ng mga dayuhang aktor ng estado bilang bahagi ng dayuhang panghihimasok ay mga pagkakasala na sa ilalim ng batas ng New Zealand.
Kung nangyayari ang mga aktibidad na ito, o may dahilan upang maniwala na maaaring nangyayari ang mga ito, dapat itong iulat sa Pulisya ng New Zealand o nang hindi nagpapakilala sa pamamagitan ng Crime Stoppers New Zealand (Crime Stoppers).
Hindi kailangang patunayan na ang aktibidad ay konektado sa isang dayuhang estado o na ito ay dayuhang panghihimasok dahil ang aktibidad mismo ay maaaring isa nang pagkakasala sa sarili nitong karapatan.
Maaari pa ring mag-ulat sa Pulisya ng NZ o Crime Stoppers kahit pa ang pinagmuulan ng aktibidad, o kung may kasangkot na dayuhang estado, ay hindi alam. Susuriin ng Pulisya ng NZ ang sitwasyon at tutukuyin kung kinakailangan ng karagdagang aksyon.
Kabilang sa mga aktibidad na ito ang:
- pananakot at mga banta
- blackmail
- lihim na pagsubaybay
- panliligalig
- pag-atake at kaugnay na karahasan
- cybercrime tulad ng pag-hack at hindi awtorisadong access
- mga nakapipinsalang digital na komunikasyon (halimbawa, mga email, nilalaman ng social media, o mga post sa mga online forum ng komunidad) na naglalayong magdulot ng pinsala ay maaaring isang kriminal na pagkakasala
Matuto nang higit pa tungkol sa mga nakapipinsalang digital na komunikasyon sa website ng Pulisya ng New Zealand
Pag-ulat ng mga pagkakasala sa Pulisya ng NZ
Kung ito ay isang emerhensiya at nangyayari ngayon, tumawag sa 111 at hilingin ang Pulisya ng NZ.
Kung hindi ito emerhensya, maaari kang makipag-ugnayan sa Pulisya ng NZ sa pamamagitan ng:
- paggamit ng 105 online form
- pagtawag sa 105 mula sa anumang mobile o landline, ang serbisyong ito ay libre at magagamit 24/7 sa buong bansa
Hihilingin ng 105 form ang ilan ng iyong personal na impormasyon upang tulungan ang Pulisya ng NZ na iproseso ang iyong ulat at mag-follow up sa iyo. Gagamitin lamang ng Pulisya ng NZ ang impormasyong ito para sa mga pinahihintulutang layunin.
Pag-ulat nang hindi nagpapakilala sa Crime Stoppers
Maaari kang magbahagi ng impormasyon nang hindi nagpapakilala sa pamamagitan ng Crime Stoppers New Zealand.
Ang Crime Stoppers ay isang malayang kawanggawa na nagbibigay ng ligtas at simpleng paraan upang mag-ulat ng krimen o ibang seryosong mga alalahanin sa mga awtoridad, kabilang ang Imigrasyon, Adwana at Pulisya ng NZ.
Kabilang dito ang impormasyon tungkol sa posibleng dayuhang panghihimasok sa New Zealand.
Maaari kang magsumite ng ulat nang hindi nagpapakilala gamit ang online form, o makipag-usap sa isang tao sa pamamagitan ng pagtawag sa Crime stoppers sa 0800 555 111 (o +64 9 927 3971 kung nasa ibang bansa).
Hindi ibabahagi ang iyong pagkakakilanlan sa mga awtoridad.
Mahalagang tandaan na bagama't ang hindi nagpapakilalang ulat ay maaaring magbigay ng mahalagang impormasyon sa Pulisya ng NZ, maaaring hindi ito magbigay ng sapat na impormasyon para sa Pulisya ng NZ upang magsagawa ng pormal na imbestigasyon, at hindi maituturing na isang pormal na reklamo.
Pag-ulat ng dayuhang panunuhol
Ang dayuhang panunuhol ay nangyayari kapag ang isang tao o negosyo ay nag-aalok, o nangangako ng suhol sa sinumang tao upang impluwensyahan ang isang dayuhang pampublikong opisyal na may kaugnayan sa pagsagawa ng kanilang opisyal na mga tungkulin.
Ang dayuhang panunuhol ay nangyayari rin kapag ang pampublikong mga opisyal sa New Zealand ay inaalok, binibigyan o pinapangakuan ng mga suhol ng mga dayuhang tao. Ang dayuhang panunuhol ay maaaring gamitin ng mga dayuhang estado o kanilang mga kahalili, upang isagawa ang dayuhang panghihimasok.
Kung pinaghihinalaan mo ang dayuhang panghihimasok, maaari mo itong iulat nang kumpidensyal sa pamamagitan ng kagamitan sa pag-ulat nang hindi nagpapakilala ng Tanggapan ng Malubhang Pandaraya: Mag-ulat ng Malubhang Panunuhol - Tanggapan ng Malubhang Pandaraya ng New Zealand