Pagbibiyahe sa ibang bansa at dayuhang panghihimasok Travelling overseas and foreign interference
Kapag bumibiyahe sa ibang bansa, ang ilang tao ay maaaring maharap sa dayuhang panghihimasok sa pamamagitan ng karagdagang pagsisiyasat mula sa mga dayuhang awtoridad, kabilang ang mula sa kanilang mga ahensya ng seguridad at intelihensya.
Mahalagang tandaan na maaaring hindi ito nararanasan ng karamihan sa mga bumibiyahe, at ang pagsisiyasat sa mga hangganan ay karaniwan sa buong mundo, kadalasang rutina at walang kaugnayan sa dayuhang panghihimasok.
Pagbibiyahe sa ibang bansa at dayuhang panghihimasok
Tulong konsulado ng New Zealand
Ang Ministeryo ng Ugnayang Pandayuhan at Kalakalan (MFAT, Ministry of Foreign Affairs and Trade) ay nagbibigay ng mga serbisyong konsulado sa mga mamamayan ng New Zealand sa labas ng New Zealand, kahit na hindi sila karaniwang naninirahan sa New Zealand.
Ang tulong konsulado ay hindi karaniwang ibinibigay sa mga Permanenteng Residente ng New Zealand.
Ang mga taga-New Zealand sa ibang bansa ay napapailalim sa mga lokal na batas sa ibang bansa, kabilang ang mga batas ng bansang iyon na namamahala sa detensyon, pag-uusig, o mga paghihigpit sa biyahe.
Dalawahang pagkamamamayan
Ang pagkakaroon ng dalawahang pagkamamamayan ay maaaring makaapekto sa kakayahan ng New Zealand na magbigay ng tulong konsulado. Kapag nasa bansa ng ibang pagkamamamayan, ang mga lokal na awtoridad ay maaaring ituring ang tao bilang kanilang mamamayan lamang at hindi pahintulutan ang paglahok ng New Zealand.
Maaari kang makahanap ng karagdagang impormasyon tungkol sa Ligtas na Pagbiyahe: Dalawahang pagkamamamayan at mga permanenteng residente
Mga refugee at dating refugee
Kung ikaw ay isang refugee sa labas ng New Zealand, may mga makabuluhang limitasyon sa suporta na maibibigay ng Pamahalaan ng New Zealand.
Maaari kang makahanap ng karagdagang impormasyon tungkol sa Ligtas na Pagbiyahe: Mga refugee at dating refugee
SafeTravel NZ
Ang SafeTravel NZ ang opisyal na website ng MFAT para sa mga Taga-New Zealand na bumibiyahe o nakatira sa ibang bansa, na nag-aalok ng payo sa pagbibiyahe, mga serbsiyong konsular, mga payo sa kaligtasan, at isang sistema ng pagpapatala para sa mga bumibiyahe.
Ang mga bumibiyahe ay dapat magpatala sa SafeTravel New Zealand bago pumunta sa ibang bansa. Nakatutulong ito sa MFAT na magbigay ng napapanahong mga update, makipag-ugnayan sa mga bumibiyahe kung kinakailangan, at mag-alok ng tulong kung saan posible.