Doxing Doxing
Ano ang doxing (o doxxing)?
Ang doxing ay kapag may isang tao na naglagay ng iyong personal o pribadong impormasyon sa online nang hindi ka muna tinanong. Maaaring kabilang dito ang iyong buong pangalan, tirahan, numero ng telepono, kung saan ka nagtatrabaho, o maski ang mga detalye ng pagkontak sa iyong pamilya. Kadalasan, hinihikayat niya ang ibang tao na gamitin ang impormasyon para ikaw ay takutin, bantaan, ligaligin o intimidahin.
Kung isinagawa ang doxing para sa, o sa ngalan ng, isang dayuhang estado (foreign state), ito ay isang uri ng pakikialam ng dayuhan (foreign interference). Ang pampublikong pagbabahagi ng personal at pribadong impormasyon ay maaaring makapinsala sa pagkapribado, seguridad at kaligtasan ng isang tao.
Ano ang dapat gawin kung ikaw ay na-dox
Impormasyong ibabahagi mo sa Netsafe, Pulisya o NZSIS kapag nagsusumbong
Kapag nagsusumbong, mahalagang isali ang maraming detalye hangga't maaari. Subukang mag-screenshot o mag-save ng kopya ng:
- Personal o pribadong impormasyon na naibahagi o nai-post
- User profile o account ng taong nagbahagi nito (halimbawa, ang kanyang username)
- Petsa at oras ng pagbabahagi o pag-post ng impormasyon
- Pangalan ng website o app kung saan ito nangyari